The Bataan Risers’ Jeepy Faundo talks about playing for the country in the Fiba 3×3 tourney

Jeepy Faundo, the talented center of the Bataan Risers who also played for the University of Santo Tomas in the UAAP was selected to join the recent Philippine team to the Fiba 3×3 Under-23 World Cup in China alongside RJ Abarrientos, Rhayyan Amsali, and Ricci Rivero.

 

We spoke with Jeepy who is the younger brother of current Meralco Bolts’ forward-center, Bryan Faundo, about his stint and this is what he had to say.

 

What was your best moment in the Fiba 3×3 Under-23 World Cup?

Jeepy Faundo: Best moment ko siguro ay nung nakalaro na ako kasi nakaka-proud dalhin yung Pilipinas. Masaya yung pakiramdam na mayroon pagkakataon kang ipaglaban yung bansa mo.

 

Sa iyong opinyon, ano yung best game ng Pilipinas sa torneyo?

Jeepy Faundo: Yung best game namin yung kinalaban namin yung China. Wala pa silang talo nung time na yun and gusting gusto namin silang kalabanin kasi nasa kanila yung hometown support at pabor sa kanila lahat ng kundisyon. Buti na lang na-accomplish namin yun. Big win lalo na karibal natin yung China.

 

Ano natutunan mo sa torneyo na ito bilang manlalaro?

Jeepy Faundo: Sa akin, yung natutunan ko ay yung nakita ko yung mga pagkukulang sa laro ko. Marami pa talaga tayong dapat ma-improve skills-wise. So kailangan double time pa lalo na sa practice. Nanonood kami ng mga ibang player sa ibang bansa at nakikita ko yung mga bigs nila na hindi lang athletic pero ang daming skills. Marami ka talagang matututunan sa araw araw. Kailangan lang alam mo kung ano iyon at may gagawin ka.

 

Mga all-star din mga teammates mo sa 3×3 tulad nila Ricci Rivero. Meron ka napulot sa kanilang laro at preparasyon?

Jeepy Faundo: Masaya kasama mga teammates ko sa 3×3. Kay Rhayyan at RJ makikita mo yung love for the game na napaka-importante. Si Ricci naman ibang klase yung skills. Nag-improve pa siya. So importante rin yung desire to grow.

 

How do you feel being the latest Bataan Riser to represent our country (after Jayjay Alejandro and Vince Tolentino who are with the Gilas Cadets and Gary David who was with that now fabled Gilas team that won the silver medal in the 2013 Fiba Asia Championships)?

Jeepy Faundo: Masaya at proud dahil dala natin yung pangalan ng Bataan. Hindi lang ito karangalan para sa akin at sa team pero kasama na mga tao ng Bataan kasi player ako nila nung makuha ako sa Fiba. At siyempre, MPBL. Dala rin natin yun.